Roller Coaster Ride (2nd Term)


My 2nd term at CSB was quite of a rollercoaster ride , that had equal amount of ups and downs which made everything worth a try.

Iba't ibang emosyon ang mga naramdaman ko sa aking ikalawang term sa CSB. 

Saya, Lungkot , Hiya , Kaba , Takot , Galit , Gulat , Pagtataka , Pasasalamat at iba pa.

Saya - dahil sa lahat ng mga bagay na naging opportunity para iimprove ko yung sarili ko at hindi lang mag stay sa comfort zone. Sa mga experiences na hindi ko akalaing magiging masaya kung hindi ako magiging open sa mangyayari.

Lungkot - kapag may saya , mayroon ding lungkot. Kasama na diyan ang minsa'y hindi nakukuha ang grado na gustong makamit , matapos ang lahat. Pero things happen... minsan nagkulang ka o kaya naman sumobra ka... nireview mo tapos hindi pala yun kasama.. parang sa pag-ibig joke HAHA

Hiya -  katulad ng lalabas lang para umihi pero napahiya pa , nasubsob sa hagdanan , nadulas sa hagdanan , sumagot ng mali at kung ano ano pang iba. Normal naman yun.

Kaba - kapag may report at hindi nakapag-prepare, kaba ang mararamdaman mo... Kaba kapag pumasok ka na sa ayaw mong subject at ayaw mong prof , kaba dahil sa hindi mo alam ang gagawin , kaba dahil hindi mo alam kung ano ang susunod.

Takot - kung ano ang magiging kahihitnan ng mga bagay na ginawa mong pinagsisihan sa dulo

Galit - sa mga bagay na wala kang kontrol, at dahil wala ka nang magagawa dahil nasabi mo na yun at sa mga bagay na para sayo.

Pasasalamat - kung hindi dahil sa mga nangyari, hindi ako magiging ako kung sino ako ngayon

Hindi naging madali tong term para sakin pero naging masaya siya kahit papano. Sa Unang parte ng second term ko ay nag-try akong sumali sa isang org pero hindi ko rin kinaya dahil sa oras at naapektuhan na ang ibang mga bagay na ginagawa ko pero naging masaya ako nung nandoon ako kung may chance ulit ako para sumali ako ga-grabin ko ulit yun, pero hindi muna ngayon.

Ang hirap na rin palang mag isip kung saan kakain , ang sarap na nga lang mag baon ng packed lunch kaya lang wala rin talagang time dahil sa pagmamadali.

Minsan kapag may groupworks, naiisip ko pano kaya kung solohin ko na lang to pero mas maganda pa rin pala ng may ka-grupo kung lahat kayo ay nagtutulungan pero kapag isa lang ang gumagawa, isang malaking bullshit ang groupings... yung feeling na lahat na ginawa mo tapos seen lang ang katapat. Hindi mo rin magawang tanggalin sila dahil naaawa ka, sa sarili ko ata hindi ako naawa parang unfair no.

Mga ngiting minsa'y nagtatago ng iba't ibang emosyon ng isang tao, minsan makikita mo sa mata nila kung ano talaga ang nararamdaman nila. Katulad sa mga prof minsan kala mo okay ang lahat isang araw bagsak ka na pala hahaha...

Mga kaibigang hanggang tingin na lang ang magagawa mo dahil malayo sila o kaya naman hi/hello na lang dahil iba na ang mga schedule nila o kaya naman may mga iba na rin silang mga kaibigan. Meron namang mga kakilala mo lang at kung minsa'y magkakatinginan lang kayo at hindi alam ko kung ngingiti , babati o magkukunwari na lang na walang nakita.

Malabo mata ko kaya minsan hindi ko rin nababati mga kilala/kaibigan ko kailangan lapitan ko pa sila bago ko ngitian o batiin.

Hindi sa lahat ng bagay ay makukuha mo ang gusto mo , hindi rin sa lahat ng bagay perfect ang lahat.

Minsan okay lang ding hindi maging okay
Minsan kailangan din ng time para mag-isip
Parati dapat iniisip ang magiging kahihitnan ng mga bagay na ating sinasabi, upang sa huli ay hindi magsisi :)

If you don't try , the answer will always be no.
Take Chances, malay mo it could change something if not everything.

Thanks to my friends and my professors for this term! Haha excited na ko mag second year (ulit) next year !!! Surely, maninibago ulit ako pero what's new every 3/4 months kailangan mag adjust eh.. ganun talaga :) 

At excited na ko sa next term!!! 
Hello to this Snapchat Quality (?) picture of commons for my First Day!
Finally! Yung pinaka inaasam asam ko for my 2nd term , SDA Classes !

May Pros and Cons din pala siya 
Saw Chauncy for the First Time !
We became friends through YouTube 
Check out his Channel : https://www.youtube.com/user/Chaunskiez

Kumain kami sa Shawarma Rice after ng picture na to Haha !
 2nd Day with My Fave, Patrick (a.k.a. for me Pat)
Smiling and not knowing all the struggles we'll be facing sa mga susunod na tatlong buwan
With Mercy and Mar!
Bakit parang sobrang bilog naman ng muka ko dito no ?
Ito ang sinasabi ko 
Ang isa sa Con ng SDA(School of Design and Arts Bldg.)
Yung PAGKAIN
Since ni-renovate na din nila caf ng SDA (not that i like their foods before...) struggle ang bumaba at kumain sa kahit anong fast food chain na gusto ko.

Left : sobrang gutom ko niyan , tinakbo ko yung tokyo tokyo para sa Sriracha Donburi grabe within 5 mins. naubos ko.

Right : Kapag may quiz, o assignment mashadong risky ang bumaba sa building kasi sa 9th floor pa ko haha mag aantay pa ko ng elevator pababa at pataas para sa pagbalik ko. Kaya baon baon na lang ng biscuit. Ina-achieve ko mag-baon ng packed lunch pero ni isang beses di ko pa talaga na ta-try eh , pero sa FEU na try ko dati haha mga 7 na beses.
Classmate ulit kami ni Kristle sa PETWODA 
PE2 (Dance)

Once a week lang kami nag kikita ngayon , compared before kasi once a week lang PE Class.
Sinag Benildyano
(from L-R : Amilee, Lia, Me, Yhan , Iko, David)

Ever since I met Ally Guttierez pala nung First Term , gusto ko na sumali sa org na sinasabi niya which is Sinag Benildyano. I tried nung 2nd term. I attended the training timed from 6-9pm usually my class ends up until 2:30 so I stay at the library or hang somewhere. They trained us for debates, impromptu speeches, rtr and made friends and they are all nice. Pero nung malapit na matapos yung training mga June I quit because I can't deal with the training time, it's too late nakakauwi na ko mga 11 and I have classes ng 8 am everyday and hindi rin ako nakaka attend na ng training pag weekends. But it was definitely fun and they are very welcoming. Thanks for letting me try , i'll come back when I'm ready :)
 Kumain pala kami ni Pat sa Zarks after Midterms Hahaha Di ko pa kasi na trytry dito and nacucurious ako before nung nasa FEU kung anong lasa and what's so special about it haha Eh hindi ko na din na try, pero infairness hindi siya punong-puno compared sa Morayta Branch makakaupo at makakahinga ka naman haha
Left : Learn my lesson
Alam niyo ba may bayad lalagyan at yung mga disposable spoon and fork ng caf namin #ImShookt

Right : masarap yang salted egg yolk chicken ng kfc staka yung sisig nila
yan yung pagkain na nagpabalik sakin kumain sa KFC kasi di talaga ako kumakain sa KFC haha (Sige Ijudge niyo ko)
Left : Locker #25 SDA 9th Floor na ofcourse lalagyanan ulit ng mga tubig
Right : Random Snap after PE Class/nakiki aircon sa school kasi mashado pang mainit sa labas
Left : Kahit anong mangyari , masarap kumain ng ice cream kapag bad trip 
Right : Caramel !!! Fave ko to galing din sa fave kong tao Gela :-)
Naaalala ko pa before binigyan niya rin ako niyan pero nung high school pa kami 
(btw schoolmates kami now hehe) (AKIC)
 Left : Yung nabibili sa gilid na parang pancake na pwede kang mamili kung ano ilalagay sa loob kung flat tops , cadbury , oreo etc..  Sabi ni Pat masarap daw to kaya bumili ako haha masarap nga ! namiss ko lasa nito kasi may nag sabi rin sakin na masarap to nung nasa FEU pa ko haha nilibre pa ko. Plus mura lang siya mga 12pesos - 15 lang ata ?

Right : A R T
 Left : Gutom na Pat. Ito yung araw na bumili ako nung parang california maki burrito roll ata nung tokyo tokyo haha kala ko kalasa nung onigiri eh nag cracrave ako dun ever since tinanggal nila yun sa SDA caf.. i'm dissapointed haha tinake away ko pa haha.

Right : Hahahaha First time ko lang humawak ng Fidget Spinner ! Ito rin pala yung time na may free shampoo and conditioner sachet kami ni pat ! mag reregister lang daw kami hahahaha tapos nung last month tumawag sakin HAHAHA tinatanong kung anong gamit kong shampoo, toothpaste tapos earnings ? like gg.. di ko na sinagot haha
 OI GRABE , Kailangan ko to sa Tecwrit kinabukasan tapos nung tinry ko yung website na sinabi ng prof namin pag ka print ito lumabas ! kaya gumawa na lang ako sa word :(
 Project ata namin to sa Fil , kailangan gumawa ng music video
Hahaha Ang alam ko kami ni Ana mag eedit na lang nung video haha kasi film kami and music prod sila , turns out sila na gumawa ng lahat kakanta na lang kami HAHAHAHA NAKAKAHIYA SOBRA HAHAHAHAHAHA buti na lang isa lang yung ka group namin na nandun sa "studio" nila and the "PASIYENSIYA"  samin is so good HAHAHA
 Classroom:  Dynarel and Fil
 Ito yung nagrereklamo ako na ang init init kasi kala ko uulan nag suot ako ng mainit Haha!
Snapchat: corinnemolly
p.s. STREAK TAYO 
 Nung mga June-July ito yung pinaka gusto ko sa SDA Caf legit ito lang Haha plus mga drinks nila, tapos mga two weeks ago kumain na ko ng "meal" ok naman pala lol pero eh. tiyaga.
 Left : Ito yung sobrang hassle , midterm week ata to tapos as in sobrang daming ginagawa napaka pa nung isang subject grabe videoo... and ang tagal ko rin nag antay non tapos nag stress eating pa ko. Tapos may mga tao ring nagmemessage ng ewan ko ba sorry kung nabara kayo that time kasi naman lol midterm week tapos ano. hay nako Hahaha..

Right : Wow ok , so late na ko nagpasundo din sobrang pagod na ko kahit sa kotse nag eedit pa ko hanggang umaga siya actually... tapos kinabukasan roasted af nanaman kami ng partner ko sa prof namin hmm..


 Minsan sa sobrang traffic mabibilang mo na yung kung ilang eroplano na yung naka land staka naka alis sa Manila...

Ayeee Chicharon yung nasa kabilang picture staka Mani !
GRAB AN ART
Sabi ko kay pat mag pasa siya ihh... sayang haha !! kala ko naman drawing lang kaya di naman din ako nag pasa ! haha infairness ang gaganda ng pictures though hanggang 5 lang pwedeng kunin haha 



Ganda ng shot ng Go Pro haha kaya lang nung inedit ko yung video na shinot ko gamit go pro + inupdate ko software ng laptop ko naging hazy yung clips (LAHAT :( ) help pls.
 Tulugan Place
 Left : may mga mondays na nagsskate muna ko bago pumunta ng school kasi 9:40 pa class ko , umaabot naman ako kahit papano haha.

Center : as in kailangan gumising kahit 4am para umabot sa 5:30am tapos andun mga 6:20 then aalis ng skating rink ng mga 8am gg whatsgood.

Right : Thank God sa dream sched ko ngayong term at magaganda oras ng uwi, though sa susunod na term baka wala nang araw pag uuwi ako -_-
 Left : masarap mag flute kapag nakaka stress na ng sobra sa school o kaya naman music fridays ganun.

Right : random snap , 4th of July yan lol
 HA HA
cries ~midterm grade
binawi ko yan wag kayo haha

MCAD with Chauncy !
"Re-enactments"
Pupunta pala dapat kami ng KFC kaya lang biglang umulan 


Random Go Pro Shots

Nakita ko tong mga posters , siguro mga thesis film ng film majors
Sana sa future makagawa din ako ng ganyan aye

di na rin pala ako naka nuod kasi conflict sa time eh...


Left : 2nd to the last week ng term
Right : nag film ako ng flute cover para sa dynarel as a sacramental , pero na delete ko LOL kaya inulit ko ulit HAHA sad.
 Hahaha nung nag bus ako papuntang school nasira yung BUS !?!?! dito sa part na to HAHAHAHA OMG hindi ko alam kung saan na ko sasakay like OMG... kaya tumawag na lang ako ng uber lol late ako ng 20 mins haha..
 CINEMALAYA LISTING ng mga papanuorin ko dapat at pag bubudget ng pera HAHAHA

UY TWEET ME IF YOU WANNA GO WITH ME SA PISTA NG PELIKULANG PILIPINOO :-) hihi

I like : 100 Tula Para Kay Stella
Patay na si Hesus
Bar Boys
Birdshot
Ang manananggal sa 23B
 Ito yung  mga lagi kong dinadaanan sa 2nd term ko dahil lahat ng klase ko sa SDA magkakatabi lang A911 A912 at A907 
 Sabi ko sa sarili ko dati , pag nagka room na ko sa SDA tatambay ako sa hallway haha hindi pala , hindi sa 9th floor mainit kasi maganda sa 5th or 6th ata or else mukha akong kawawa sa ibang floor haha pwede rin sa 7th and 8th kung gusto mo mag charge kaya lang di ko pa naman na ta try haha.
 Ito yung sobrang aga ko kasi Finals ko niyan sa Dynarel staka sa Poligov eh naka tulog ako nung gabi kaya inalarm ko ng maaga kaya ako yung unang tao sa library lol.
 Kinabukasan naman to , yung gg lahat ng klase ko finals haha Tecwrit - Business Proposal na di pa tapos ang powerpoint haha pero we got it naman tapos break nag review ako ng Fil pero before nag print muna ko ng concept paper haha nga pala nung gabi nag cracram ulit ako para sa fil sobrang antok na ko non hanggang 2 am ako gising tapos natulog ako gumising ako ng 4 am tapos pasokk!! hahaha kasi rereviewhin ko yung business proposal. Tapos di pa rin ako nakakareview sa bmat grabe sobrang pagod ako ng araw na to.
 Monday ata to haha nung magchechek kami ng long quiz 6 sa bmat after poligov finals ko to nag take out ako ng shawarma rice tapos kinain ko na lang sa room grabe gutom na gutom
 Ito yung tapos na ang paghihirap.
Kaba naman ang kasunod haha
Binuksan ko yung word hunter something dun sa may library tapos sinagutan ko yung isang page haha, okay lang naman pala ata sulatan yun Haha (sa pagkaka alam ko haha)
 Pumasok ako para sa grade consultation ng dynarel nito Hahaha trip ko lang dumaan sa caf tapos dumaan din ako sa part na to ewan ko kung ano tawag dito pero usually puro mga naglalaptop makikita mo dito haha.

Ito rin yung nagpapasalamat ako sa Poligov prof ko sa binigay niyang chance. Thank you Sir Roxas !
WAAAAH CHOWKING ANG SARAP TALAGA SA CHOWKING AT SA JOLLIBEE
Sana may malapit na lang na Chowking sa school :\ meron yung papunta ka sa CCP meron kang madadaanan.

Gusto ko sa Chowking yung : Pork Chow Fan (Plus Chili Sauce) (Plus GRABE MAY BAYAD PALA YUN PAG DRIVE THRU ATA ? 5 PESOS ? PERO PAG DINE-IN TAPOS NANGHINGI KA FREE NAMAN) , Chicharap , Wonton Mami staka Halo-Halo

Reward to Myself for Trying and also gutom
 Mamimiss ko yung Locker ko na to , Pag nagkaron ako ng chance eto ulit yung kukunin kong locker haha kasi may mga 9th floor ulit ako next term pero this time hindi na lahata 9th floor
 SDA Stairs
Dumadaan kami dito ni Pat pag rush hour sa elev haha at awkward yung bubukas tapos sasara yung elev magsasayang ka lang ng oras why not take the stairs ? haha exercise pa no !
 Feel ko lang dumaan dito kasi di ako naiinitan dumaan sa U-Pad
 Namiss ko to , sana di na nila tanggalin :( 
 Nasubsob ako dito sa stairs na to tapos may nakakita pa sakin HAHAHAHA legit SUBSOB !

Tapos dun pa sa stairs sa SDA yung built-in stairs papunta sa entrance HAHA like pababa na ko , naka pe ako ibig sabihin naka rubber shoes ako as in nung last step biglang napaupo lang ako all of a sudden GRABE WALA MAN LANG TUMULONG SAKIN sus i can stand alone kaloka. At nakakahiya...
 Wow so pumasok lang ako para kuhanin gamit ko sa locker and grade consultation.. na-OSB pa ko dahil sa nakalimutan ko ID ko HAHAHAHAHA grabe na po talaga...

Tapos dadaan din nga rin sana ako dun sa may MCAD sabi nung guard dun daw ako sa may lobby dumaan lol...

Pumasok rin ako sa main ay grabe naman struggle is so real... kaya nung pag ka kain ko ay nako babalik pa sana ako ng SDA pero sus wag na.

PE CLASS (1st Group)

HAHA yung sayaw namin (together with : Kristle Dante , Franley Diamonon, Mark Araña , Dhristen Domingo , Maria Celine) nung oras na lang din/araw na yun namin pinractice Hahaha grabe kala ko wala na kaming future, na maintain ko grade ko infairness Hahaha Thanks Miss !! 

Attention by Charlie Puth (PETWODA)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HUMANS OF 2ND TERM HAHAHA JK
Ryan !
Classmate in Tecwrit and Fil12! 
Laging naka smile
And kapag nagsasabay kami kumain sa Jollibeeeeeeeeeee
so much love sa jollibee.

 Boss Guianne Paulino HAHAHAHAHA

 Kaibigan ko sa FEU , na naisipang dumalaw dahil bakasyon nila hahaha scholar yan ng FEU hahahahahahahahahahaha jk lang nuks Congrats Paulino 3rd Year gaming na at Road to PICC na ba next next year ;) ?

CHAUNSKIEZ/Chauncy/Choncy
-Pag wednesday lang siya pwede ayain sa lunch
- Nag eexplore pa sa benilde
- nag aadjust
HAHAHAHAHA jk lang choncy !
Classmate kami sa 3 na subjects ata next term and mag ka course kami haha


 "Paano ka nakapasa ngayong term, Molly ?"
-Basic lang.
*on the inside* - kung alam mo lang.. HAHA
 Business Proposal Groupmates
(from left to right : Me, Abigail Salazar, Naoko Sakamoto , Cheun Hang Chee. Christine Delos Santos)

THE STRUGGLE
WE DID OUR BEST GUYS 
Thank you for this term , See ya'll around

Chicco
 Chicco and his accent vv nice
thanks sa small na cake kung ano mang tawag mo dito chicco

Siya lang kilala ko sa tecwrit namin buong midterm haha kasi well classmate ko siya last term sa 2 subjects haha grabe yung struggle namin sa lab... kahit na once a week lang yun..

Nakakatawa mag rant minsan si Chicco , paborito niya yung kape sa main at ayaw niya sa SDA.
Salamat sa pag shashare ng iba't ibang klase ng kape at sa pag sha share ng iba pang bagay haha balang araw oo magkakape na rin siguro ako haha!! 

Thank you for this term Chicco , See you around !

PAT/PATRICK
 Siyempre pinaka close ko na tao sa CSB, laging hindi namin alam kung saan kakain pero for sure pag gutom na gutom si Pat o ako sa Tokyo Tokyo kami , Pag tapos ng exam sa Zark's , pag namimiss na namin lasa ng shawarma rice  dun kami sa Backgate , pag gusto namin ng burger sa Burger King kami, pag feel namin kumain ng chicken sa Jollibee kami , at pag wala lang sa KFC o sa Mcdo kami, pag walang choice sa caf AHAHAHAHA. JOKE.

Any suggestions para sa kakainan namin next term ? Hahaha

minsan ang hirap niyan hanapin sa commons haha or kapag nahanap ko naman na si Pat gigisingin ko na lang siya tapos kakain na kami ahahaha 
vvnice and true friend
always helps me with everything kahit academics or situational man haha

Thank you for this term , Pat !!!
Lunch pa rin tayo next term ah!!

(di na kami mag classmate next term huhuhuhu sepanx :((((((()
  SIR JAN HENRY CHOA
 My Fave , since First term
Thank you for everything Sir and Salamat din sa mga kwento at aral na tinuro mo sakin at sa iba :)
I will miss you !

You know the rest , Sir 
See you around.
(sepanx)
 August 11, 2017
Last Day of My 2nd term and their 3rd Term for 2016-2017
So yun ang nangyari sa 2nd term ko sa Benilde
Okay , BYE ! 


Comments

Popular Posts