Tapos na First Year ko sa CSB!!!

3rd term ko na at First term naman ng iba. Sa wakas, naka-survive naman ako kahit papano sa last term ng freshman year ko no. Survive in many aspects, kaya as a ritual magsusulat ulit ako ng blog about it. Sa totoo lang, sobrang bilis nitong term na to na sobrang tagal in a way pero all in all ito yung excited akong matapos agad agad... ewan ko din ba kung bakit, baka malaman niyo kapag binasa niyo hanggang dulo.

3/3 of Frosh Year as a Transferee
(September-December 2017)

(Binili ko sa Hypermarket sabi ng mom ko pangit daw lasa niyan... pangit nga ang asim na)

Kelan nga ba nag-start tong term ? September no ? 

Sobrang nalungkot ako nung nalaman kong umalis yung isang friend ko sa school tong term kasi yun yung pinaka close kong tao sa school, sobrang mahiyain ko nga kaya talagang bilang lang friends ko lalo na yung close mostly mga kilala ko lang yung mga nakakausap ko pero di kaibigan. Mas madami akong crush JOKE

Ang daming challenges when it comes to academics tong term na to ewan ko ba kung dahil may major subject na din ako sa wakas at isang design foundation subject (isang achievement ng transferee (magkaron na ulit ng major subject)) at challenge din sa pagkain ng lunch.

Okay lang naman sakin kumain mag-isa pero most of the time tong term na to talaga wala akong kasabay pero pag MW full load kasi halos lahat ng friends ko available ng MW habang TH ko 8-4pm straight walang kainan kaya sobrang hirap kumuha ng oras ng pagkain o saan ako kakain siyempre uunahin ko muna maghanap ng kakainan bago ng kasama diba nakakaloka.

Ito rin yung term na ako na magbubukas, ako pa magsasara ng school 8am-9pm class saan ka pa ?
(First Day ng Eco brick ko sakin)(Start pa lang ng class)
(Spoiler : di pa rin niya tinanggap hanggang dulo/ mababang points lang kasi magaan daw)

Buti binigyan ako ni Angel ng eco brick haha thank you !!! (finals period)
----------------------------------
Since late ako nakapag-bayad ng locker reservation ko kasi madami pang nagbabayad ng tuition napunta ako sa 10th floor.  Nung first month kong pinupuntahan yung locker kong walang laman dahil nahahassle-an ako umakyat bumaba para lang mag-iwan o kumuha ng gamit pero nakatulong din naman siya sakin in a way kasi kadalasan walang tao sa 10th kaya pwede ako umupo-upo muna at mag isip kung ano gagawin ko o saan ako pupunta pag tapos. Inis na inis ako sa pagkakaalala ko dahil di na ko sa 9th Hahaha pero narealize ko okay rin naman pala sa 10th

Kung gusto niyo pala mapanood yung video about dito eto yung link : https://www.youtube.com/watch?v=okpN_ZvgJNM

Ito rin yung time na may shoot kami ni Mika para sa DGFILM1 niya.Yun yung subject (sa pag kakaalam ko) na ikaw lahat gagawa, maghanap ng actors, edit , equipment, script lahat at every week daw yun required. Hindi ko pa kasi tinatake tong subject na to eh siguro mga next next term pa (di pa ko ready).


Ito yung term na first time kong mag take ng majors, kasi to be honest kahit ngayon habang sinusulat ko to dapat ngayong term pa lang ako nag tatake ng majors kung susundin ko flow chart ko, eh since curious din naman ako kumuha ako ng isang major.

Usually nanunuod kami ng B&W movies, tapos kung kanino nag start yung film pano siya nag evolve tapos may time rin na pinapanood kami ng movie na 'Respeto' ito yung nanalo sa Cinemalaya nung 2017 tapos kailangan namin gawan ng movie review na pa-rap tapos bawat student papanuorin namin sa classroom ahaha so shameless diba.

p.s. after 1 year ko na lang ishashare yung video hahaha nakakahiya pa rin.

 "Realidad ipinakita, noon at ngayon
Balagtasan at rap sa pelikulang respeto
Malaking bahagi sa mga eksena 
Ang ating wika na may sukat at tugma"

Ito lang usually bumubuo ng araw ko pag sobrang na sestress ako:)
Red Velvet is so good.
The Day I met Remi Ashten! (YouTuber) after class lol
Ewan ko ba kung bakit every Thursday may event kung saan, nasasaktuhan din na minsan nananalo ako ng ticket tapos thursday yung claiming or Thursday mismong event which is very hassle kasi coding which means its either uber or grab, convenient...pero katulad ng time na to, after class dumiretso ako sa BGC tapos nung uuwi na ko as in wala akong makuhang grab or uber gabing gabi na nun, nilakad ko pa mula Serendra hanggang SM Aura hahaha at naghahanap na rin ako ng way para makauwi kahit pa bus, kaya lang hindi ko alam mag-commute pa uwi HAHAHAH papunta lang sa school alam ko.

In the end, nakakuha ako ng uber bandang gabi na papuntang school tapos dun ako sinundo ng Dad ko hehe. (Tapos na yung oras ng coding lol)
Ito yung Speech ko about sa "Movies can be used as Propaganda"

Oralcomm Subject - May lab and lec kasi sa ibang subject ibig sabihin 3 times mo ma-meet tong subject na to 2x for lec tapos 1 for lab = activities. Ewan ko ba sobrang naiintimidate ako since hindi ko rin naman first language yung english, though I can speak it. Considering halos lahat ng classmate ko may pagka-"conyo" as their advantage. Pero since nagkaron ako ng subject na to mas lalong natritrigger yung kaba ko lagi sa public speaking. Although ang reason ko rin kung bakit ako nag YouTube is to compose myself kung pano magsalita dapat sa mga tao pero dun ko lang narealize hindi papala sapat yun kasi sa camera lang ako nakikipag usap although madami siyang views iba yung nagsasalita ka ng live.

Sa tuwing eto rin yung subject ko gutom na gutom ako kasi mula 8am- 4:20pm wala akong break pag tuesday so ang lala. Ang sa tingin kong nag-salba sa grade ko dito ay yung laboratory ko, kasi feel ko kahit maganda naman pagkakasabi ko sa lec or speech iba pa rin yung tingin na ng prof kapag nag buffer ka na sa first 2 speeches. Kaya I'm glad na tapos na ko dito sa subject na to.
Ito dapat yung gagawin kong video para sa Natura1 pero digital story daw pala kaya wala rin, siguro gagawin ko na lang siya sa future.
Ito yung time na naghahanap ako ng location para sa entry ko dun sa The Benildean na Org. ang concept kasi is Still and Silent ( https://www.youtube.com/watch?v=aSXccQ9SMEs ). Sumali kasi ako tapos may pa-exam silang mahaba na semi mahirap 3 pages tapos may pa drawing din tapos sa dulo instructed na gumawa ng video, nakagawa ako pero hindi ko napasa agad. Pumasa ako sa written (which is himala) (sa hirap ba naman) pero hindi na rin siguro ako nakapasok dahil di ko napasa yung video.

Pero kasi may interview din eh, hindi ko alam kung hindi ako nakapasok dahil di ko napasa yung video or di ako pumasa sa interview, nung na receive ko yung text medyo nalungkot ako ng ilang araw pero sabi ko sa sarili ko okay lang madami pa namang orgs diyan at pwede pa naman din ulit akong mag try sa susunod atleast now I know at na try ko.

PLUS after nung interview ko sa MFC, Nadulas ako sa hagdanan nilang fancy at sobrang sakit (sabi ko sa inyo every term ako nadudulas huhu (kompleto na lahat ng buildings na nadulas ako).

Tinanong pa nung guard : okay ka lang ?!
me : uhm.. hindi po, punta na lang po kong clinic hehe... (lol at me no)
With EJ and Queenie
Ito yung time na kakabili lang namin ng UNITE Tickets, kasi curious lang kami sa ganap dun since ako transferee ako last year January di ko naman naabutan yung UNITE din. At ito rin yung time na nag sign up kami for STRAINS (Student Trainers organization)

"Random Snaps and IG Stories"
Add me on Snapchat and Follow me on IG : corinnemolly
Ito yung kakatapos lang ng "PA-GGS" na calendar ng prof namin kasi bawat month kailangan andun daw muka namin, since wala naman akong photoshop... gamit ko word... eh ayaw magkaron ng 12 pages sa isang file kaya inisa isa ko kaya ang awkward nung pinaprint ko kasi isa isa legit na binubuksan nung ate na nagpiprint lol. At gusto rin ng Dad ko yung calendar, kaya naka-display sa may cabinet niya lol.
UNITE DAYS

 
Left : Ineedit namin ni Angel yung digital story namin para sa NATURA1
Right : nung tapos na ko mag procrastinate at sinumulan na yung calendar project ko
Left : Shark's Fin is Life talaga guys.
Right : May pa-spicy noodle challenge sila sa greenway
Another Random Go Pro Shots para sa aking 18 Days of September Video
https://www.youtube.com/watch?v=okpN_ZvgJNM

Left : Ang masasarap kainin kapag sinabi nang "Let's call it a day" ay ang Ice Cream at Red Velvet Munchkins ng Dunkin Donuts.
Right : Study abroad brochures from Festival Mall na convention about studying abroad.
Another video para sa Natura1 together with Chauncy naman this time

Left : kakatapos ko lang mag shoot ulit ng di ko na maalala kung para saan
Right : Thank you sa clinic sa Ice, kakatapos ko lang ng interview sa the Benildean at tapos na kong madulas ng 5 steps sa MFC Bldg.
Ito yung mamahaling pinag-hirapan kong little scrapbook about Taiwan ko para sa culture nila for my Insocio Subject na wala akong kilala sa subject na yun haha, at in the end I got the grade that I think I deserved.
With Kristle and Queenie
Friends/Lunch Buddies

U N I T E  P I C T U R E S
Na-satisfy na namin ni Queenie yung sarili namin, kaya pag sapit ng 9pm umuwi na kami haha kasi di sila nagpapalabas until mag 9pm, nag-enjoy naman kami and also plus rin yung free foods.




National Museum with Shariebells!
Another close friend from FEU!!
Miss you!

Random lamok na namatay sa kotse sa heatstroke
Yung time na volunteer ako sa school ni Ate Anna, ay kami pala sa school niya para sa 5th UP Model United nations hehe.
Umuulan lang neto at I think walang pasok at feel ko lang mag drive thru para sadyain yung pa-uso ni Jollibee na strawberry fries... you have failed me.
Left : Ito yung time na may Dramatic Reading kami ni Miko ng Bohemian Rhapsody
Right : All time fave Shawarma Baby
Yung time na dinayo ko yung lugar na ayoko nang puntahan :) para sa recommendation letter, para sa org na sinasalihan ko kasi I want it so bad. Since yung isang High School teacher ko nagkataong nagtuturo din sa FEU dito ako pumunta para sa recommendation letter. Thank you Miss Kae!!
Naka-green ako nung pumunta ako sa FEU (see picture below with ryan) kaya muka akong prof kaya kahit na pumasok ako sa mga classroom okay lang HAHAHA omg. so in short binisita ko yung iba kong blockmates before haha. Though.. iba pa rin talaga yung feeling na bumalik ulit sa FEU kahit sandali lang, halos isang taon na rin kasi akong wala dun nung pumunta ako.
Hi Ryan!!
Muka akong confused prof dito my gosh
Thank you Sir Jan and Miss Kae!!!
Eto yung time na nag shoot ako sa iba ibang lugar nanaman para naman sa aking view about kay Charlie Chaplin

At kahit pag-uwi ko di pa rin natapos pag shoshoot lol


Wala talagang papantay sa ganda ng sunset sa Coastal :)
Left : yung gusto kong key chain pero nung bibili na ko wala na yung grey huhu blue na lang
Right : Lagi akong na dedeprived ng potato corner pag pinaplano kong bumili lol
Demo speech namin sa Oralcomm
GG kami kasi napaka fail nung mga "film hacks" namin haha huhu... pero naka get over naman na ko lol
Debate about Agriculture
Nasa Pro-Agriculture kami 
Together with Chauncy, Angel and Migi
Debate 101
Hi LEA!!! Profes1 Buddy with Jom!
Miss you Lea!!
Ang nag-iisang kilala namin ni Jom na Ballerina sa school 
Manuod kayo sa Dance Thesis niya sa Futuree!
First General Assembly ng Student Trainers!!!
Wherein nag-skip ako ng class at buong araw akong nakokonsiyensiya. Ito rin yung day na naiwan ko wallet ko sa bahay, pati USB staka susi ng locker ko atsaka lisensiya ko OHMYGOD. Though naka survive ako with 50 pesos, ang dilemma is yung mga questions ko para sa iinterviewhin ko (Ms. Vanessa (Prof/Editor ng Temptation Island) na nasa USB. Tapos suot ko pa yung shit na sandals na binili ko sa bazaar na ang sakit sakit nakakainis!!! Nagsugat pa paa ko, ugh di na ko bibili ng sandals sa bazaar talaga.



Ito yung ininterview ko si Ms. Vanessa
Yung subject ko kasi na Filmart1 , may movie na naka assign each samin tapos kailangan namin gumawa ng 15 pages analysis about sa movie na yun, hanapin yung BTS Pictures tapos mag-interview atleast isa na tumulong dun sa film na yun, nagkataon di ko naman alam na yung editor pala is prof pala sa school hehehe lol medyo nakakahiya, di kasi nagreply yung Director and probably busy kasi malapit na rin MMFF nun eh meron siyang entry that time.
oh hello, matatapos na tong term na to at humahaba na hair ko friends
(LOL HELLO eto pala yung proof na sinagutan ko talaga yung activity)
Kasi TB nung Dec. 2017 nung nasa US ako ine-mail ako ng prof ko na di ako nag pasa lol pero sabi ko nag pasa ako kaya sabi niya picturan ko daw ? eh wala naman sakin? pinasa ko nga sa kanya lol so inshort pina ulit niya sakin LOL hanggang ilang milyang layo hinahaunt ako ng subject na to.
Yung SDA-AKIC-MAIN-AKIC-MAIN Gaming ako at sobrang exhausted as f ko, kasi wala daw e-jeep pag saturday at nagulat din ako na class namin ng NSTP instead of SDA nasa AKIC OMG!!!
Maganda topic ko huhu pero sobrang nag stutter ako sa final speech ko, pero okay lang hehe
WALANG KATAPUSANG DEBATE GRABE
kung alam niyo lang, pag kinakabahan ako sobrang lamig ng kamay ko o kaya lunok ako ng lunok or kumakain ako ng candy haha

Di ko kayang magsalita sa maraming tao ng hindi ko memorized yung sasabihin ko (sa time na ngayon)
HI GUYS matatapos na talaga tong term na to pati tong blog lol
with mi loves
Friends that makes my college life bearable and are definitely for keeps
Love you both huhu
Arnis Gaming by Queenie
May Pa-Bazaar yung school namin ft. Queenie
omg huhu may nakita akong winnie the pooh na key chain kaya lang mashado na kong magastos kaya di ko na rin nabili aw


ewan ko kung bakit nasa blog to guys :)

FINAL SPEECH DAAAY ko
Thank you so much for helping me with my powerpoint Sydney!!! I really appreciate it huhu
NIGHTMARE ang alay lakad gaming ko
yung time na tinry namin ng parents ko yung famous na ramen place sa las piñas
for the blog din to kahit di school related : tinulungan ako ng guard mag parallel park sa festival mall HAHAHAHA shame on me talaga
kapag wala akong kasama, i hang out with my Dalmatian self
TOPSIDE WITH KRISTLE

Left : kapag may profes1 subject ka ganyan talaga ang oras ng uwi
Right : prize ko sa pagtapos ng 15 pages na film analysis huehue thanks miss rica luvv you
lagi siyang nagpapamigay ng mga pagkain hahaha so generous 
hello friends konti na lang matatapos na talaga tong term na to
Left : thank you angel sa mga eco brick na extra na binigay mo sakin hihi
Right : 3rd shoot ko to with Mika, Talent Fee ko ? HAHA JK love you mika!
Left : YAZ (ROAD TO 2ND YEAR NA PO TAYO)
Right : yung pinilahan ko/halos lahat ng estudyante na mahabang Data Privacy Act sa Registrar
mga isang oras din ng buhay ko ako nandito

Yung nag-board game kami sa profes, wag daw hawakan nang di pa nag huhugas pag kumain ng chichiria sabi ni sir hahaha mahal daw kasi yang game na yan
Bada$$ LEA
huhu miss those times talaga
Ayaw bumukas nung ilaw sa classroom namin sa profes
Paano Hindi Bumagsak sa Exam Video :

Mindali ko tong bilhin para umabot sa Profes1, at saktong nag-iisang binder na lang siya!!
Next reporters after namin ma-roast
8:50 ako umalis tapos sobrang traffic 11pm na ko nakauwi tapos flight is 7 am huhu at napagalitan ako dahil di pa ko nag iimpake lol kaya hanggang 3am ako nag iimpake 
yung student lounge na maliit (kakapasok ko lang kanina lol)

Some screenshot from my video sa 2nd to the last day ng last term ko as a frosh transferee






All in all, even though ito yung isa sa pinaka mahirap or start ng pag-hihirap ko sa dream school ko, I'm happy na I gained new friends and new experiences at slowly na umaalis ako sa comfort zone ko kasi usually since sa mga subjects ko nowadays required na makipag-appointment ka na for a meeting na hindi ko naman ginagawa dati, ngayon parang nagiging part na rin siya sakin. Kasi kung hindi ko gagawin, sino gagawa nun para sakin.

Masaya rin ako sa mga sinubukan kong salihang org na kahit na hindi ako naging official member, atleast tinry ko at alam ko yung mga bagay na sinasacrifice to get those things, which is hindi ako ready isacrifice pero minsan you have to give up some to give way sa mga bagay na dapat mong iprioritize muna. May nagsabi sakin dati sali ka ng sali ng org di mo naman tinutuloy, nakaka-offend kasi may mga bagay na na-shashare ka lang tapos minsan nakaka discourage din yung mga simpleng isang linyahang salitang mga ganun kasi alam mo sa sarili mo na tinatry mo pero sadyang hindi ka lang talaga para doon sa oras na to hehe

Nakikita ko rin yung mga inspirations ko sa term na to at mas lalo akong na eexcite pumasok knowing na andun din sila pero ofcourse the main focus pa rin naman is to study and andiyan sila to serve as an inspiration.

Thankful din ako sa friends na na-meet ko at laging nandiyan to hear my thoughts and rants huhu and always supportive sa mga choices ko and gives advices hehe

Ito rin yung lagi akong nagmamadaling kumain kapag T TH at more often than not wala akong kasabay pag ganyang araw usually M and W lahat ng friends ko available.

Hindi naman sa pagiging grade conscious pero this term talagang pinag hirapan ko kung ano man yung mga nakuha kong grades although di man umabot sa well.. haha okay lang yun, kulang pa ng push siguro pero I'm really happy na yung mga bagay na pinag-hirapan ko nakuha ko at alam kong deserve ko.

May subject pala ko na dati sinasadya kong magpalate pero since may nang aagaw ng upuan ko, inaagahan ko na ever since haha kahit ako pa yung pinaka unang tao dun HAHA AYOKO sa harap no nasa point na nga ako ng lalagyan ko na sana ng tape yun na "Upuan to ni Molly" Hahaha chos

Thank you nga pala sa C2 Green tea sa pag rerefresh sakin.
Thank you din Jollibee dahil lagi kang nandiyan haha.

At sana sa mga susunod na terms di na ko madudulas, masusubsob or mauuntog nanaman dahil kompleto ko na lahat ng buildings pwera AKIC.

Salamat sa Pag-babasa:)

S E C O N D  Y E A R
N A
U L I T
A K O 
Y A Y !!

Comments

Popular Posts