Naaalala Mo Pa Ba - "Do You Still Remember?"

Naaalala mo pa ba

Noong halos araw- araw kang gingising ng magulang mo para bumangon at magmadali para pumasok sa eskwela?
Na sa tuwing dadaan ang mag tataho at maag aatubili kung may barya ka ba't hahabulin mo

Ang mga araw na may iba’t ibang uri ng tao ika’y nakakasalamuha

Na ang pag uusap ng mga tao na tila ba’y ika’y nasa pelikula na nanonood at nakikinig, nag aabang kung ano ang susunod na eksena, pero sila’y bumaba na sa kanilang destinasyon

Mga kainan at tawanang pinagsaluhan kasama ang mga kaibigan na akala mo’y wala nang katapusan?

Ang mga bagay na yun ay minsa’y naisip mo, paano kung ang lahat ng ito… isang araw mawala

Kung ano ang nangyari kahapon

Naaalala mo pa ba

Naaalala mo pa ba

Maaalala mo pa ba ang mga salitang binigkas ko kung ito’y wala na

Maaalala mo pa ba ang nangyari ngayon, taon man ang lumipas?

Maaalala mo pa ba?


- Molly Martinez
04/11/20

Comments

Popular Posts